Tiniyak ni Norther Luzon Command (NOLCOM) Commander Lieutenant General Fernyl Buca ang kanilang buong suporta sa mapayapa at maayos na Baranggay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Northern Luzon.
Ito ang inihayag ni Lt. Gen. Buca sa Area Joint Peace and Security Coordinating Committee (JPSCC) Meeting na isinagawa sa NOLCOM Headquarters sa Camp Aquino, San Miguel, Tarlac City kahapon.
Ang pagpupulong ay nilahukan ni PNP Acting Commander Area Police Command-Northern Luzon Police Major General Jon A. Arnaldo, mga opisyal ng Police Regional Offices (PRO) at Philippine Coast Guard (PCG).
Sa pagpupulong, nagkasundo ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Coast Guard na paigtingin ang kanilang koordinasyon, at isapinal ang deployment ng kanilang mga tauhan para sa BSKE.
Nagpasalamat naman si Police Maj. Gen. Arnaldo sa NOLCOM at lahat ng ahensyang bahagi ng security operations upang masiguro ang tagumpay ng electoral process sa Northern Luzon. | ulat ni Leo Sarne