Suspek na sangkot sa pagpatay sa mag-ama sa Sual, Pangasinan, arestado sa entrapment operation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ng kapulisan ang suspek na pumatay sa isang stockman at tatlong taong gulang na anak nitong babae sa bayan ng Sual, Pangasinan.

Kinilala ng kapulisan ang suspek na si Jayson Calabisan Libayon alyas “Duluk”, 22 anyos, at tubong General Santos City.

Naaresto ang suspek sa Brgy. San Pablo, Mexico, Pampanga. Nakumpisa sa suspek ang isang Caliber 45 na baril, mga bala, isang granada, at perang ginamit sa isinagawang entrapment operations.

Batay sa impormasyon ng kapulisan, sangkot umano ang suspek sa talamak na bentahan ng mga iligal na baril sa Pampanga.

Matatandaang natagpuan sa stockroom ng isang establisyemento ang mag-amang biktima ng suspek.

Nakitaan ng sugat sa kanyang ulo ang biktima na hinihinalang galing sa paghampas ng matigas na bagay habang ang anak nito ay kinakitaan ng indikasyon ng pagsakal.| ulat ni Ricky Casipit| RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us