Sweldo ng entry level na abogado ng CHR, nais pataasan upang maengganyo magtrabaho sa komisyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aminado ang Commission on Human Rights na problema nila sa ngayon ang mababang salargy grade ng entry level ng kanilang mga abogado kaya kulang sila sa tao.

Sa interpallation ni Baguio City Representative Mark Go sa ginawang deliberasyon sa budget ng CHR, kinuwestyon nito ang mga “unfilled position” na nasa 207 simula pa noong 2021 hanggang sa kasalukuyan.

Ayon kay CHR Chairperson Richard Palpal-latoc, ngayong buo na ang kanilang en-banc commission, binibilisan na nila ang pagha-hire ng mga kinakailangang tao sa komisyon.

Paliwang pa ng CHR head, napapalitan ang kanilang newly hires sa bilang ng mga empleyado nilang nagreretiro na sa serbisyo.

Pero aniya, dahil nasa salary grade 23 lamang ang entry level ng mga abogado, ginagawa lamang silang stepping stone ng mga bagong abugado na naghahanap ng experience at lumilipat ng ibang government agency gaya ng ng Public Attorney’s Office at Office of Solicitor General na may mas mataas na sweldo.

Panawagan ni CHR Chair sa House Appropriation Committee ay payagan silang itaas ang salary grade ng kanilang mga bagong abugado. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us