Taguig City Mayor Lani Cayetano, patuloy na sinisikap na maibahagi ang mga benepisyo para sa senior citizens na nasa EMBO barangays

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling siniguro ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na patuloy nilang sinisikap na maibahagi na ang mga benepisyong dapat matanggap ng senior citizens sa 10 EMBO barangays na nakapaloob na sa kanilang jurisdiction.

Ayon kay Mayor Lani, bagamat hindi pa nila hawak ang kabuuan ng datos mula sa OSCA o Office for Senior Citizens Affairs ng Makati sa lahat ng senior citizens sa 10 EMBO barangays ay mano-mano na nila itong kinakalap upang maipagpatuloy ang mga programa at serbisyo sa mga lolo at lola na magdiriwang ng kanilang kaarawan.

Samantala, muli namang sinabi ni Mayor Cayetano sa lahat ng senior citizens sa lungsod na masarap tumanda sa Taguig. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us