Taguig LGU, namahagi ng birthday cash gift sa senior citizens sa EMBO barangays

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi ng Birthday Cash Gift ang lokal na pamahalaan ng Taguig sa mga senior citizen sa EMBO barangays na nailipat na sa lungsod.

Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, ang naturang birthday cash gift ay ang mga nagdiwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan ng Agosto.

Kung saan makatatanggap ang mga nabanggit na senior citizens mula ₱3,000 hanggang ₱10,000 depende sa kanilang edad.

Dagdag pa ni Mayor Lani na hindi pa nila hawak ang masterlist ng mga senior citizens ng EMBO barangays at inisyal pa lamang ang kanilng nakukuha.

Samantala, muli namang siniguro ni Mayor Cayetano na matutuloy na ang kanilang pamamahagi ng cash gift sa mga senior citizens at maipadama sa mga ito na masarap tumanda sa Taguig.  | ulat ni AJ Ignacio

📸: Taguig City

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us