Tama, responsable at ligtas na pamamahayag, isinusulong ng PTFoMS at ng PAO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) kasama ang Public Attorney’s Office (PAO) ang pagiging tama, responsable at ligtas na pagbibigay impormasyon sa larangan ng pamamahayag.

Layon nitong magbigay gabay kaugnay sa mga problemang kinakaharap ng mga media practitioner.

Panawagan ng PTFoMs sa hanay ng media, na maging responsable at maging tapat sa pamamahayag upang maiwasan na maging biktima ng karahasan.

Nagbigay din ng libreng konsultasyon ang PAO dito para sa mga mamamahayag na may mga kasalukuyang katanungan o problema, kaugnay sa kanilang kaligtasan at mga hakbang na dapat nilang gawin.

Kabilang sa mga dumalo si PAO Chief Dr. Persida V. Rueda-Acosta, PTFoMs Executive Director Under Secretary Paul M. Gutierrez, Presidential Communications Office (PCO) Special Concerns and International Media Assistant Secretary Michel Andre P. Del Rosario, PTFoMS Chief of Staff Atty. Hue Jyro U. Go, PAO-Manila Public Attorney III Atty. Ramon Antonio C. Sabinorio, PTFoMs Head Executive Assistant Kristine Venet Q. Andal, IHL Expert Atty. Evecar B. Cruz-Ferrer, at Philippine Commission on Women (PCW) GAD Expert Member and Resource Pool Alvin Cloyd H. Dakis.| ulat ni Mary Rose Rocero

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us