Tamang impormasyon tungkol sa Nipah Virus, kailangan para maiwasan ang panic sa publiko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatitiyak ni Deputy Majority Leader at Iloilo First District Representative Janette Garin na makapaglabas ng official report at safety precautions ang Department of Health (DOH) upang hindi mauwi sa panic kaugnay sa Nipah virus o NiV.

Aniya, mahalaga na maipaalam sa publiko ang tamang paraan ng pag-iingat at kung ano ang sintomas ng sakit.

Panawagan ng mambabatas na agad magtulungan ang Department of Health (DOH) at Department of Agriculture (DA) para sa “aggressive surveillance” sa NiV.

Ang NiV ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ay isang virus na kadalasang naililipat mula sa mga hayop patungo sa mga tao sa pamamagitan ng close contact o sa body fluids nito.

Pero tinukoy ni Garin na dating nagsilbing Health secretary na hindi na bago sa Pilipinas ang NiV dahil noong 2014 ay nagkaroon na ng kaso na nagmula sa fruit bats kung saan nahawa ang mga kabayo dahil na kontamina ang kanilang pagkain ng ihi ng paniki.

Dahil naman dito pinayuhan ni Garin ang publiko na hugasang maigi ang prutas at gulay, siguraduhing luto ang karne, at maghugas ng kamay para maging ligtas sa mga virus. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us