Target revenue collection para sa buwan ng Agosto 2023, nahigitan ng BOC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng Bureau of Customs (BOC) na nahigitan nito ang target revenue collection na itinakda ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) para sa buwan ng Agosto 2023.

Base sa datos, umabot ng Php 75.642 billion, ang nakolekta ng BOC na lagpas sa target na Php 72.275 billion o 4.7%, katumbas ng Php 3.367 billion.

Mula Enero hanggang Agosto 2023, nakakulekta ang BOC ng kabuuang Php 582.133 bilyon na kita, na lumampas sa target na Php 567.740 bilyon o 2.54%, katumbas ng Php 14.393 bilyon.

Kumpara sa koleksyon noong nakaraang taon na Php 558.455 bilyon sa parehong panahon, ang kita ngayong taon ay lumago ng 4.24%, na abot sa Php 23.678 bilyon.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us