TESDA, hinikayat ang mga taga Ilocos Norte na samantalahin ang scholarship programs

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanyayahan ni TESDA Dir. Gen. Suharto Mangudadatu ang mga taga Ilocos Norte na samantalahin ang mga scholarship program ng ahensya.

Ang TESDA ay bahagi ng LAB for All project ni First Lady Liza Araneta Marcos at Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang iparating ang mga programa nito at ipaliwanag ang bentahe sa pagkakaroon ng skills training upang magkaroon ng pagkakataon na makahanap ng magandang trabaho sa iba’t-ibang industriya.

Sinabi pa ni Mangudadatu na mayroong programang TESDA sa Barangay.

Nagpapasalamat naman ang TESDA Director General sa Unang Ginang dahil sa naisipang proyekto na maihatid ang mga serbisyo ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno kasama ang pribadong sektor sa pagbibigay ng libreng tulong sa mga nangangailangan. | ulat ni Ranie Dorilag | RP1 Laoag

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us