Ganap nang batas ang ‘Trabaho Para sa Bayan Act’, na layong solusyunan ang mga problema ng bansa sa labor sector, tulad ng job mismatch, unemployment, at underemployment.
“The law will help us solve the various challenges plaguing our labor sector such as low quality jobs, skills mismatch and underemployment among others.” — Pangulong Marcos Jr.
Sa ilalim ng batas, isusulong rin ang mga hakbang na magpapalakas sa competitiveness ng mga Pilipinong manggagawa, OFWs, at maliliit na negosyante.
“To our businesses especially our MSMEs, we will continue to provide support and other incentives such as increased access to financing and capital to promote self-reliance and spur employment generation. Under this law, we will also incentivize employers, industry stakeholders, and private partners who will facilitate skills development, technology transfer and knowledge sharing amongst our businesses and our workers.” — Pangulong Marcos Jr.
Kabilang dito ang pagtulong sa OFWs na makahanap ng pagkakakitaan o kabuhayan sa Pilipinas, sa oras na piliin ng mga ito na bumalik na dito sa bansa.
Tututukan rin ng batas na ito ang pagtugon sa iba pang hamon na kinahaharap ng labor market ng Pilipinas. At pagpapalakas ng Filipino workers, maging ng pagiging competitive ng mga ito.
Ang masterplan plan sa ilalim ng batas ay nakalinya sa Philippine Development Plan 2023-2028.
“I likewise enjoin the DOLE and the NEDA to harmonize the labor and employment plan 2023-2028 and the Trabaho Para sa Bayan Plan to ensure that all government efforts and resources will be effectively and efficiently managed.” — Pangulong Marcos Jr.
Sa ceremonial signing ng batas ngayong araw (September 27), inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga government agency na asistehan ang TPB Inter-agency Council, para sa ganap na implementasyon ng batas.
“All government agencies, including LGUs are enjoined to cooperate and coordinate with the council to ensure the effective integration of the plan into their policies and programs.” — Pangulong Marcos.
Sabi ng pangulo, ang batas na ito ay panibagong milestone tungo sa sustainable at inclusive development ng bansa.
“Sa ating mga mamamayang Pilipino, alam po namin na hangad ninyo na magkaroon ng maayos, matatag at marangal na trabaho. Sa pagpasa ng batas na ito , binubuksan natin ang isang bagong yugto sa ating bansa kung saan mayroong sapat at dekalidad na trabaho para sa lahat.” — Pangulong Marcos.
Sa ilalim ng batas, ang TPB Inter-agency Council ay pamumunuan ng NEDA Secretary.
Ang konsehong ito ang magsasagawa ng komprehensibong analysis sa employment situation at labor market sa bansa.
Ang council rin na ito ang titiyak na epetikbong magagamit ang mga resource, at magiging magkakalinya o alinsunod ang effort ng bawat tanggapan ng pamahalaan sa isa’t isa, pagdating sa pagtugon sa usapin ng labor.
Minamandato ng batas, na alalay ng Inter-agency Council ang mga lokal na pamahalaan, sa pagpa-plano, pagbuo, at pagpapatupad ng employmenet generation, at recovery plans and programs, sa bawat LGUs sa bansa.
“Samahan po ninyo kami sa pagsisiguro sa tagumpay ng batas na ito at sa pagpanday ng isang maunlad at bagong Pilipinas.” — Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan