Trade Sec. Pascual, hinikayat ang business sectors sa Indonesia na mamuhunan sa sektor ng agrikultura at digital economy ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Trade Secretary Alfredo Pascual ang mga Business sector sa Indonesia na mamuhunan sa sektor ng agrikultura at digital economy sa bansa.

Ito’y sa kabila ng State Visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Indonesia.

Ayon sa kalihim, ginawa niya ang naturang panghihikayat sa mga nabanggit na sektor dahil isa ang mga naturang sektor sa pinapayabong pa ng ating bansa dahil sa mga inilunsad na programa ng national government.

Malaki naman ang tiyansa ayon pa kay Pascual na malaki ang maiuuwing foreign investment ni Pangulong Marcos sa nasabing State Visit nito sa Indonesia. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us