Traffic enforcers ng MMDA at QC, nakakalat na sa Katipunan Ave., para sa dry run ng Morning Rush Hour Zipper Lane

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapwesto na sa kahabaan ng Katipunan Avenue ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) para sa pagsisimula ng dry run ng Morning Rush Hour Zipper Lane sa bahagi ng Katipunan Avenue-Northbound simula ngayong umaga.

Mag-aalas-sais kaninang umaga, ay sinimulan ng mga enforcer at constable ang maglagay ng mga barrier, traffic cones, at directional signages para sa mga motoristang dumadaan sa Katipunan Avenue.

Pagpatak ng alas-6:30 ng umaga, sinimulan ang dry-run kung saan sa opening ng center island sa Ateneo Gate 2 ang entrance ng Zipper Lane habang ang exit ay sa intersection sa harap naman ng Ateneo Gate 3.

Magiging eksklusibo ito para lang sa mga papasok na sasakyan sa Miriam College at C.P. Garcia habang hindi naman maaaring kumanan sa Zipper Lane para makapasok ng Ateneo Gate 3.

Tatagal ang pagpapatupad ng Morning Rush Hour Zipper Lane hanggang mamayang alas-8 ng umaga, sa loob ng dalawang linggo.

Layon nitong ibsan ang madalas na mabigat na daloy ng mga sasakyan sa Katipunan Avenue.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us