Mula sa 15.3 meters na naitala bandang alas-9:00 kagabi, bumaba na sa 14.6 meters ang lebel ng tubig sa Marikina River kaninang alas-6:00 ng umaga.
Kasabay ng pagbaba ng tubig baha, inalis na rin sa first alarm ang alarma sa ilog.
Sa ulat ng Rescue 161 ng Marikina LGU, wala nang naitalang mga pag-ulan sa mga bulubunduking lugar sa Mt. Campana, Mt. Boso-Boso, Mt. Aris, Mt. Oro at Nangka hanggang alas-4:00 kaninang madaling araw.
Malaki ang kontribusyon ng mga ulan na nanggagaling sa mga bulubunduking lugar na nagpapataas sa lebel ng tubig sa ilog kahit hindi umuulan sa Marikina.
Kapag magtuloy-tuloy na ang hindi pag-ulan ngayong umaga ay bababa pa ang level ng tubig sa Marikina River. | ulat ni Rey Ferrer