Inihahanda na ng Department of Agriculture (DA) ang tulong para sa mga apektadong retailer sa ipinatutupad na price ceiling sa bigas.
Kasama ng Department of Trade and Induatry (DTI), sinimulan na ng DA ang pagbubuo ng listahan ng mga rice traders at retailers na maaapektuhan ng kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Bukod sa pagmo-monitor sa presyo sa mga pamilihan, magpapatuloy ang DA sa pag-inspeksyon sa mga bodega upang matugunan ang mga concern na may kaugnayan sa hoarding at iligal na pag-import ng bigas.
Kaninang umaga, sinimulan na ng DA, DTI at LGUs ang pag-inspeksyon sa 18 pamilihan sa Metro Manila para tiyaking nasusunod ang itinakdang price ceiling para sa regular at well- milled rice, ayon sa itinakda sa Executive Order No. 39.
Dapat ibenebenta na sa PhP41.00 kada kilo ang regular milled rice at PhP45.00 kada kilo naman para sa well-milled rice.| ulat ni Rey Ferrer