Tiniyak ni Department of Public Works and Highways (DPWH) na makakatangap ng suporta ang mga pamilyang maapektuhan ng konstruksyon ng North-South Harbor Bridge sa Tondo, Manila.
Sa interpellation ni Manila 5th District Rep. Erwin Tieng sa pagtalakay ng 2024 proposed budget ng DPWH, tinanong niyo ang kalihim kung may nakaplano pang tulong sa mga relocatees.
Ayon kay DPWH Sec. Manuel Bonoan kaakibat ng P4 billion na pondo para sa bridge project ang ‘right of way acquisition’ at ang pagrerelocate sa mga tatamaan na residente ng road project.
Ang nasabing proyekto ay pinondohan mula sa loan sa Chinese government na naglalayong kokonekta sa Barangay 20 at 649 ng Baseco Compound.
Siniguro ng DPWH chief kay Congressman Tieng na hindi magsisimula ang proyekto hanggang hindi natutulungan ang mga pamilyang apektado. | ulat ni Melany Reyes