Muling pinatunayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kaniyang dedikasyon na unahin ang kapakanan ng mga Pilipino sa paglagda nito sa Republic Act No. 11962 o Trabaho Para sa Bayan (TPB) Act ayon kay Speaker Martin Romualdez.
Aniya, ang pagsasabatas ng Trabaho Para sa Bayan ay nagpapakita sa hangarin ng Pangulo na mapagbuti pa ang kabuhayan ng mga Pilipino.
“By signing this law into effect, President Ferdinand R. Marcos, Jr. has reaffirmed his dedication to the welfare of every Filipino, regardless of their background or circumstance. The Trabaho Para sa Bayan (TPB) Act underscores our government’s commitment to inclusivity, equity, and progress for all Filipinos. It is a testament to the President’s vision that a prosperous and thriving nation can only be built on the foundation of gainful employment and economic stability,” ani Romualdez.
Sa pamamagitan ng TPB Act, bubuo ng isang job-creation plan na ipatutupad sa loob ng tatlo, anim at sampung taon para umagapay sa post-pandemic recovery ng bansa.
Itatatag nito ang Trabaho Para sa Bayan Inter-Agency Council na babalangkas ng panuntunan, key performance indicators, at hakbang para maisakatuparan ang TBP Plan.
Bahagi nito ang pagbibigay ng training, technology, knowledge transfer, upskilling, reskilling, at enterprise-based training programs gaya ng apprenticeship, work immersion, at on-the-job training.
Sakop ng programa ang MSMEs, pangunahing sektor, at papausbong na industriya na may mataas na employment potential at tiyansa na makahikayat ng mga mamumuhunan, at documented at undocumented overseas Filipino workers.
Ayon kay Romualdez, ang pagiging multi-faceted approach ng bagong batas para makalikha ng trabaho ay titiyak sa mas matatag at pang matagalang pagbangon ng bansa, at nangako na babantayan ng Kamara ang tamang pagpapatupad ng batas. | ulat ni Kathleen Forbes