TUPAD Program ng DOLE, binigyan ng exemption ng Comelec

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maipagpapatuloy pa rin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang cash for work program nito kahit umiiral ang election ban. 

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Erwin Garcia, inaprubahan nila kanina ang application for exemption ng DOLE para magpatuloy ang pagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. 

Sabi ni Garcia, hindi pwedeng iantala ang ganitong mga programa ng National Government dahil kailangan itong ibigay sa mga nawalan ng trabaho, dahil sa mga kalamidad at pandemya. 

Ngunit ipinaalala ng Comelec, hindi pwedeng makisawsaw ang mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa programang Tulong Pangkabuhayan sa ating mga Disadvantage Workers o TUPAD. 

Bukod dito, tanging ang mga kawani ng DOLE ang siyang mamamahala sa mga kukunin na mga magtatrabaho. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us