Umaabot sa 5,000 trabaho, bubuksan mula sa P4-billion na Nidec Subic Investment

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahang bubuksan ang 5,000 trabaho ng Nidec Subic Philippine Corporation, mula sa P4.2 billion expansion project nito.

Isang simpleng awarding ceremony ang ginanap upang igawad ang Certificate of Registration (COR) with Incentives, sa ilalim ng CREATE law sa Japanese company na Nidec Subic Philippines Corporation.

Sinabi ni Takeshi Yamamoto, sa kasalukuyan may 633 na mga empleyado ang Nidec, pero dahil sa kanilang expansion project inaasasahang mag-e-empleyo ang kumpanya ng 5,000 Pinoy workers.

Ibinahagi din ni Yamamoto, na kaya nila napili ang Subic Bay Freeport para sa kanilang expansion ay dahil sa strategic location nito.

Aniya, mas magiging possible na i-market ang kanilang mga produkto sa European Union, United States, Brazil, Korea and China.

Sinabi naman ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairperson at Administrator Jonathan Tan, ang Kinematix ay isang bagong produkto na may high accuracy gearbox na ginagamit bilang base, arm o shoulder ng mga industrial robot para sa auto tool changer o loader ng machines.

Ayon kay Tan, ito ang pangunahing layunin ng Nidec Subic Philippines, ang makagawa ng gearboxes sa labas ng Japan, at maituturing itong “milestone” para sa Subic Freeport dahil ito ay “gawang Pinoy”.

Binigyang halaga naman ng SBMA Chief, na resulta ng CREATE law ang expansion ng Nidec. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us