Hiniling ni House Committee on Agriculture and Food Chair Mark Enverga na masilip ang napaulat na oversupply ng imported chicken sa bansa.
Ito’y kasunod ng pahayag ng United Broiler Raisers Association (UBRA) na bumababa ang farmgate price ng manok dahil sa oversupply.
Katunayan mayroon umanong 114 days ng chicken surplus ang bansa hanggang sa pagtatapos ng taon.
Ani Enverga, dapat ay silipin na ng Department of Finance (DOF), Department of Trade and Industry (DTI), at Department of Agriculture (DA) ang naturang isyu.
Maigi aniya kung tignan ng mga ahensya kung nagtutugma ba ang database at field reports hinggil sa suplay ng manok sa bansa.
Sakali man, maaari aniya na magpatawag ng imbestigasyon ang Kongreso, tulad ng ginawa sa isyu ng sibuyas at bigas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes