Updated Digital Mapping System ng DSWD at partner agencies, isinailalim na sa review at testing

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinuri at sinubukan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang Updated Digital Mapping System (DMS) para sa anti-hunger initiatives.

Kasama ng ahensiya sa review at testing ang mga kinatawan mula sa government agencies at developmental partners ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) Convergence Program.

Ang DMS ay isang pagsisikap sa ilalim ng EPAHP, na magpapalakas sa mga kapasidad ng Community-Based Organizations (CBOs) at Small Farmers, sa pamamagitan ng pag-uugnay sa kanila sa mga prospective market tulad ng Supplementary Feeding Program (SFP) ng DSWD.

Ang Community-Based Organizations at Small Farmers ay magrerehistro sa system kasama ang kanilang available products, na maaaring bilhin at kunin ng mga ahensya at organisasyon para sa kanilang anti-hunger programs at food security initiatives.

Ang mapping system ay dinisenyo at pinondohan ng Food and Agricultural Organization (FAO) ng United Nations, isa sa mga developmental partner ng EPAHP. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us