US, Japan, nangakong magbibigay ng tulong sa Pilipinas para sa pagpapalakas ng territorial security ng bansa — DFA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga bansang Estados Unidos at Japan na magtutulungan upang palakasin ang territorial security ng Pilipinas.

Ito’y sa kabila ng pagkakaroon ng pagbuga ng China gamit ang water cannon sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas patungo sa Ayungin Shoal para sa isang resupply mission.

Ayon kay Japan Maritime Self-Defense Commander-in-Chief Vice Admiral Saito Akira sa kanyang pagbisita at pakikipagpulong kay U.S. 7th Fleet Commander Vice Admiral Karl Thomas at Philippine Fleet Commander Rear Admiral Renato David, maaaring magkaroon ng mga joint exercises ang nasabing tatlong bansa.

Kung matatandaan, nag-courtesy call sina Saito at Thomas kay Philippine Navy (PN) Chief Vice Admiral Torino Adaci Jr.

Sinabi ng Philippine Navy na ang mga talakayan ay nakatuon sa pakikipagtulungan sa pagsasanay at pagpapaunlad ng kakayahan na magiging “mutual beneficial.”

Nagpasalamat naman ang DFA sa US at Japan sa pagpangako nito sa ating bansa sa patuloy na pagtulong sa pagprotekta sa ating bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us