Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Usec Hans Leo Cacdac bilang Officer – in -Charge ng Department of Migrant Workers (DMW).
Ang appointment na ito ni Cacdac ay makaraang mabakante ang secretary post sa DMW, kasunod ng pagpanaw ni Secretary Susan Ople.
Samantala, itinalaga rin ni Pangulong Marcos si Jennifer Las bilang Chairperson ng National Commission on Indigeneous People sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Habang si Jose Lim IV, itinalaga naman bilang Asec ng Department of Transportation (DOTR).| ulat ni Racquel Bayan