Bumaba ng aabot sa 894 million US dollars ang total external debt ng bansa mula sa USD 118.8 billion level nito sa pagtatapos ng first quarter ngayong taon.
Ibig sabihin, bumaba sa USD 117.9 billion ang naitatalang utang ng Pilipinas mula sa iba’t ibang creditors sa labas ng bansa.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang pagbaba ng utang ng bansa ay dahil sa paggalaw ng US dollars sanhi ng mga polisiya na ginagawa ng Federal Reserve ng Estados Unidos.
Maliban dito, bumaba rin ang public sector external debt mula sa USD 75.2 billion noong first quarter hanggang 74.5 billion dollars sa second quarter.
May pagbaba rin sa private sector debt na aabot sa higit USD 200 million.
Nananatili namang nasa manageable level ang ibang key external debt indicators ng Pilipinas ayon sa BSP.
Ilan sa mga sinsabing major creditors ng Pilipinas ay ang mga bansang Japan, Estados Unidos, at ang United Kingdom. | ulat ni EJ Lazaro