Positibo si Defense Secretary Gibo Teodoro, na mababayaran na ng buo ang pagkakautang sa pensyon ng mga nagretirong militar.
Sa budget deliberation ng Department of National Defense (DND), natanong ni Baguio Representative Mark Go ang kalihim kung magkano na sa ngayon ang arrears sa pensyon ng mga nagretirong kawal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Aniya, sa 105,000 na mga nagretiro noong 2000 hanggang 2013, aabot sa P2.1 billion ang naipong liability ng gobyerno.
Habang para sa mga taong 2018 hanggang 2019, mayroong P1.7 billion na utang pa para sa may 15,000 retirado.
Sa ilalim naman ng 2024 National Expenditure Program, pinaglaanan ng P6 billion ang pambayad para dito kaya’t sa susunod na taon ay mabubura na. | ulat ni Kathleen Forbes