Valenzuela LGU, nanawagan ng tulong sa mga nakasaksi ng insidente ng “road rage” sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaapela ngayon sa publiko ang Valenzuela Local Government para sa impormasyon sa panibagong insidente ng “road rage” na naganap sa Bignay-Punturin noong August 19.

Plano na rin kasi ng pamahalaang lungsod na imbestigahan ang naturang insidente.

Sa inilabas na video sa Facebook post ni Atty. Raymond Fortun, makikita ang ilang bahagi ng alitan sa daan sa Valenzuela kung saan isang lalaking motorista ang nagkasa na naman ng baril.

Tinukoy rin sa Facebook post ng abogado ang plate number ng Toyota Fortuner kung saan nakasakay ang motoristang nagkasa ng baril.

Hiling naman ng Valenzuela LGU, maaaring makipag-ugnayan ang mga nakasaksi sa naturang insidente sa Valenzuela City Police sa mga sumusunod na numero:

8352-4000
09064197676 (Globe)
09985987868 (Smart)

| ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us