Bibiyahe patungong Seoul, South Korea si Vice President at Education Secretary Sara Duterte bukas, September 20.
Ito ay para dumalo sa 2023 Global Education and Innovation Summit, matapos imbitahan ng gobyerno ng Republic of Korea.
Nasa 200 global education leaders, pati na mga scholar, minister, vice minister, education policy maker, mga eksperto, at opisyal ng international organization ang magtitipon-tipon sa nasabing global education summit.
Layon nitong magbahagi ng mga karanasan at best practices sa mga makabagong istilo o paraan ng pagtuturo at pag-aaral.
Isa si VP Sara sa magiging keynote speaker sa naturang global education summit na isasagawa sa September 21.
Makakasama ng Pangalawang Pangulo ang isang You Can Be VP participant, at isang mag-aaral mula sa Danao City sa Cebu. | ulat ni Diane Lear