VP at DepEd Sec. Sara Duterte, hinimok ang Education Ministers na muling hubugin ang edukasyon at yakapin ang teknolohiya sa GEIS 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinanawagan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang muling paghubog sa edukasyon at pagtanggap ng mga bagong teknolohiya para mapahusay ang kasalukuyang landscape ng edukasyon sa buong mundo.

Ginawa ito ng Pangalawang Pangulo sa kanyang talumpati sa 2023 Global Education and Innovation Summit (GEIS) noong Huwebes.

Kinilala ni VP at Sec Sara, na siya ring kasalukuyang Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) Council President, ang napipintong pagbabago ng teknolohiya habang lumalabas ang Artificial Intelligence (AI).

Kanyang iminungkahi ang tatlong (3) puntos upang matiyak na mananatiling epektibong sandata ang teknolohiya na makakatulong sa edukasyon.

Sinabi niyang ang kritikal na pag-iisip, komunikasyon, pakikipagtulungan, at pagkamalikhain ay dapat isaalang-alang bago gamitin ang teknolohiya.

Giit pa nito, ang pangangailangang tumugon sa mga epekto ng teknolohiya sa mga sistemang pang-edukasyon at ang mga ministro ang dapat sumubaybay sa mga teknolohiyang ito.

Panghuli, binigyang-diin niya na ang kakayahang umangkop at pagpapanatili ng bagong teknolohiya sa sistema ng edukasyon ay dapat pag-aralan ng mga end user bago ang pagpapatupad para sa kapakinabangan ng mga stakeholder. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us