VP Sara, binuweltahan ang mga argumentong inilatag ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro hinggil sa Confidential Fund ng OVP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maiikli subalit malaman ang mga buwelta ni Vice President Sara Duterte sa mga argumentong inilahad ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro.

Ito’y may kaugnayan sa pagkuwesyon ni Castro sa Confidential Fund ng Office of the Vice President (OVP) at ng Department of Education (DepEd) na kapwa pinamumunuan ng Pangalawang Pangulo ng bansa.

Ayon kay VP Sara, hindi abogado si Castro at hindi rin ito isang sertipikadong auditor kaya’t wala aniya itong karapatan o ligal na awtoridad upang kumuwestyon sa naturang pondo.

Una nang iginiit ng OVP na mismong si Executive Secretary Lucas Bersamin na ang nagsabing walang mali o iligal na paglalaan ng confidential fund para sa mga tanggapang pinangangasiwaan ng ikalawang pinakamataas na lider ng bansa.

Sa huli, sinabi ni VP Sara na ang lahat ng mga inilatag na argumento o pagkuwestyon ni Castro hinggil sa ligalidad ng confidential fund ng OVP at DepEd ay pawang opinyon lamang ng mambabatas kaya’t wala siyang dapat ipaliwanag dito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us