VP Sara Duterte, binigyang diin ang kahalagahan ng pagprotekta sa likas na yaman ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Vice President Sara Duterte ang kahalagahan ng pagsusulong ng adhikain na mapanatili at pangalagaan ang likas ng ating bansa.

Kaugnay nito ay pinangunahan ni VP Sara at Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang pagpapakawala sa 152 critically endangered na Hawksbill Turtles pabalik sa kanilang natural habitat sa baybayin ng Aboitiz Cleanergy Park sa Punta Dumalag, Davao City.

Kabilang ang Hawksbill Turtle sa critically endangered species ng pawikan sa buong mundo. Kasama rin ito sa limang species ng pawikan na makikita sa Pilipinas.

Ayon kay VP Sara, mahalaga ang naturang aktibidad upang maipaliwanag sa mga kabataan at sa mga komunidad kung paano pangalagaan ang kapaligiran.

Nagpasalamat naman ang Pangalawang Pangulo sa DENR at Aboitiz Foundation, Inc. sa kanilang pagsisikap sa pagpapanatili ng ecological preserve at biodiversity sa Pilipinas. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us