VP Sara Duterte, kinilala ang nagawa ng mga sundalo ng 20th Infantry Division ng PH Army sa 73rd Founding Anniversary nito sa Northern Samar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ni Vice President Sara Duterte ang mga nagawa ng mga sundalo ng 20th Infantry Division ng Philippine Army sa 73rd Founding Anniversary nito sa Las Navas, Northern Samar.

Sa talumpati ni VP Sara, pinuri nito ang kanilang mga ginagawa sa pamamagitan ng iba’t ibang proyekto para sa mga komunidad at mamamayan.

Si VP Sara ay nagsisilbi ring Co-Vice Chairperson ng National Task Force to End Local Communist and Armed Conflict, nagpasalamat din ito sa magigiting na sundalo para sa kanilang serbisyo sa bayan.

Kasabay nito, ay hinimok ng Pangalawang Pangulo ang mga sundalo na isulong ang edukasyon sa mga komunidad para matugunan ang problema sa insurgency.

Naniniwala naman si VP Sara, na sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay masusugpo ang problema sa insurgency, at maraming inosenteng buhay ang maililigtas lalo na ang mga kabataan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us