Pinangunahan nila Vice President at Education Secretary Sara Durerte gayundin ni Senador Imee Marcos ang pamamahagi ng ayuda para sa mga mag-aaral.
Ito’y sa ilalim ng Aid to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Kasabay ito ng pagdalo ni VP Sara sa ika-71 Araw ng Zamboanga del Sur sa Pagadian City na may temang HEARTS beat faster Zamboanga del Sur.
Nangangahulugan ang HEARTS bilang Health, Education and Environment, Agriculture, Roads and Bridges, Tourism, at Security.
Sinamantala rin ng Pangalawang Pangulo ang pagbabahagi ng programa ng kaniyang tanggapan gaya ng pagbibigay ng Medical at Burial Assistance gayundin ng PagbaBAGO o A Million Bags and Trees Program
Sa huli, inilatag din ni VP Sara ang programa ng Department of Education na nakaangkla sa MATATAG Agenda gayundin ang mga hakbang upang mapabuti ang kalagayan ng mga guro at mag-aaral. | ulat ni Jaymark Dagala