VP Sara, ipinag-utos ang pagpapatupad ng automated system para sa hiring at promotion ng mga guro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang magpatupad ng automated system ang Department of Education (DepEd) para sa pagkuha ng mga bagong guro gayundin sa promosyon ng mga ito.

Iyan ang tinuran ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte nang pangunahan nito ang tree planting activity kaalinsabay ng pagdiriwang ng National Teachers Month sa Tagbilaran, Bohol.

Ayon kay VP Sara, maka-aasa na ang mga guro na magiging pantay at patas ang proseso sa pagkuha ng mga guro gayundin sa kanilang promosyon nang walang palakasan.

Kasunod nito, ipinagmalaki ni VP Sara na patuloy nilang itataguyod ang pagbibibigay ng benepisyo sa mga guro

Dagdag pa ng Pangalawang Pangulo, magsisilbi aniya ang buong buwan ng Setyembre bilang paalala sa mga Pilipino hinggil sa kahalagahan gayundin sa kinabukasan ng bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us