Wilfredo Gonzales, ipapa-contempt ng Senado kung hindi sisipot sa senate inquiry

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng ipaaresto at ipa-contempt ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman si Wilfredo Gonzales, ang dating pulis na sangkot sa nag-viral na road rage incident matapos na kasahan ng baril ang isang siklista sa Quezon City.

Ito ay kung sakaling hindi rin sisiputin ni Gonzales ang imbestigasyon ng Senado sa susunod na linggo tulad ng hindi nito pagsipot kahapon sa hearing ng Land Transportation Office (LTO) ayon kay Senate Committee Chairperson Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Sinabi ni dela Rosa na ipapa-subpoena ng kanyang komite si Gonzales para mapilitan itong humarap sa pagdinig at kung hindi ito pa rin ito dadalo ay maaari na siyang ipaaresto sa Senate Sergeant at Arms at ipa-contempt sa Senado.

Bukod kay Gonzales, pinadalhan na rin ng imbitasyon ang siklistang tinutukan ng baril ng dating pulis.

Base aniya sa impormasyon ng senador, natatakot humarap ang siklista pero pinapaasikaso na niya ito sa kanyang staff para mahikayat na dumalo sa pagdinig.

Tiniyak naman ng senador na magiging patas ang gagawing pagdinig kung saan papakinggan ang panig ni Gonzales at ng siklista, maging kung ano na ang hakbang na ginawa ng Philippine National Police. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us