World Bank, nagpahayag ng interes na suportahan ang Pilipinas sa “key investment sectors”

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng World Bank ang kanilang interes na tulungan ang Pilipinas sa mga pangunahing investment sector ng bansa.

Kabilang sa mga ito ang energy, water, education, transport at digitalization.

Ito ang resulta ng pulong ni Finance Secretary Benjamin Diokno at World Bank Regional Vice President for East Asia and Pacific Manuela Ferro, kasabay ng isinasagawa ngayong 2023 Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) Annual Meeting, sa Sharm El Sheikh, Egypt.

Ayon kay Diokno, tinalakay din sa naturang pulong ang patuloy na commitment ng World Bank na suportahan ang sustainable development ng bansa.

Kasama rin sa agenda ang ongoing loans with World Bank gaya ng Philippines First Digital Transformation Development Policy Loan, Philippines Digital Transformation Project, Implementation of the National Broadband Plan, at Sustainable Inclusive and Resilient Tourism Project. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us