World Peace Bell, muling pinatunog ngayong National Peace Consciousness Month

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagtipon-tipon ang iba’t ibang opisyal mula sa National at Bangsamoro Government, pati mga kinatawan mula sa local at international peace partners para sa pagdiriwang ng National Peace Consciousness Month.

Pinangunahan nina Presidential Peace Adviser Secretary Carlito G. Galvez, Jr., Quezon City Mayor Joy Belmonte, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Senior Minister Abunawas “Von Al-Haq” Maslamama ang selebrasyon na isinagawa sa Quezon Memorial Circle ngayong umaga.

Tema ng selebrasyon ang “Kapayapaan: Responsibilidad ng Bawat Mamamayan”

Tampok sa programa ang bell-ringing ceremony sa World Peace Bell Site na nagpapapaalala sa bawat mamamayan na makiisa sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan.

Naging tradisyon na ang pagpapatunog ng Peace Bell tuwing selebrasyon ng National Peace Consciousness Month na sumisimbolo sa patuloy na pagtataguyod ng kapayapaan sa bansa.

Nagkaroon din ng candle lighting at pagpirma ng mga dumalo sa Pledge of Peace.

Kaugnay nito, sa gitna rin ng geopolitical tensions, naniniwala si Presidential Peace Adviser Secretary Carlito G. Galvez na dapat pa ring idaan sa mapayapang dayalogo ang mga isyung kinahaharap ng bansa gaya ng gusot sa West Philippine Sea. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us