₱1-M halaga ng shabu nasabat ng PNP-Drug Enforcement Group sa CDO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) ang itinuturing na high-value drug target sa isinagawang buy-bust operation sa New Road, Barangay Macabalan, Cagayan de Oro City kahapon.

Sa ulat ni PDEG Director Police Colonel Dionisio Bartolome Jr. kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., kinilala ang suspek na si Jamel Mamosaka Gamboa, alyas Boss.

Nakuha sa kanya ang nasa 150 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso.

Ang suspek at ang narekober na ebidensiya ay dinala Police Station 5 ng Cagayan de Oro City Police Office para sa documentation at proper disposition.

Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.  | ulat ni Leo Sarne

📸: PDEG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us