₱900-M, inilaan para sa pamamahagi ng World Teachers’ Day Incentive Benefit ngayong taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 900,000 public school teachers ang nakatakdang makatanggap ng kani-kanilang World Teachers’ Day Incentive Benefit (WTDIB) sa October 5 bilang bahagi ng World Teacher’s Day.

Ayon kay Quezon City Representative Marvin Rillo, ngayong 2023, pinaglaanan ng Kongreso ng ₱900 million ang teachers’ incentives.

Tuwing ika-5 ng Oktubre ang mga guro sa pampublikong paaralan ay makatatanggap ng ₱1,000 na insentibo.

Pagtiyak ng mambabatas na kada taon ay sinisiguro ng Kongreso na mapopondohan ang insentibo.

Katunayan sa ipinasa nila aniyang 2024 budget ay may ₱912-million na nakalaan para sa susunod na taon.

“We, in Congress, are totally committed to provide the annual appropriations required to pay for the WTDIB of our teachers. In fact, in the 2024 national budget that the House approved last week, we’ve set aside another ₱912-million to pay for the WTDIB of our teachers next year,” sabi ni Rillo.

Taong 2019 nang simulan ang pamamahagi ng World Teachers’ Day Incentive Benefit.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us