Crime rate sa QC, bumaba ng 19.51% — QCPD

Nakapagtala ang Quezon City Police District (QCPD) ng pagbaba sa bilang ng mga krimen sa lungsod sa nakalipas na linggo. Ayon kay QCPD Acting District Director Police Brigadier General Redrico Maranan, bumaba sa 19.51% ang index crime rate sa lungsod mula September 25-October 1, 2023, kumpara sa 41 insidenteng naiulat sa lungsod mula September 18-24,… Continue reading Crime rate sa QC, bumaba ng 19.51% — QCPD

Data breach sa PhilHealth, pinaiimbestigahan sa Kamara

Hinimok ni Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas ang House Committee on Information and Communications Technology na kagyat imbestigahan ang nangyaring data breach sa PhilHealth. Aniya, kahit naka-break ang sesyon ay maaaring magpatawag ng motu proprio investigation ang komite. Labis na nababahala ang mambabatas sa pag-amin ng PhilHealth na may mga impormasyon ngang nakuha matapos ang… Continue reading Data breach sa PhilHealth, pinaiimbestigahan sa Kamara

Confidential funds sa BFAR, magagamit para mapaigting ang pagbabantay sa WPS

Malaking bagay para sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang dagdag na suporta para mapalakas ang monitoring at surveillance efforts nito sa West Philippine Sea (WPS) Ito ang ipinunto ng BFAR sa plano ng Kongreso na i-realign sa ahensya ang confidential funds mula sa Office of the Vice President (OVP). Sa isang pahayag,… Continue reading Confidential funds sa BFAR, magagamit para mapaigting ang pagbabantay sa WPS

Pondo para sa pension hike ng mga senior citizen, pinatitiyak ni Sen. Joel Villanueva

Umaapela si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa Department of Budget and Management (DBM) na siguruhin na magkakaroon ng sapat na pondo ang dagdag na buwanang social pension sa mga mahihirap na senior citizen. Sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program (NEP), nasa ₱49.8-billion ang nakalaan na pondo para sa ₱1,000 na monthly social pension… Continue reading Pondo para sa pension hike ng mga senior citizen, pinatitiyak ni Sen. Joel Villanueva

Mas mahigpit na batas vs. animal cruelty, isinusulong sa Senado

Ipinapanukala ni Senador Grace Poe na bumuo ng isang opisina na magkakaroon ng mas malawak na kapangyarihan na tiyakin ang pagtataguyod ng kapakanan ng mga hayop sa bansa at magpoprotekta sa kanila laban sa animal cruelty. Sa inihaing Senate Bill 2458 ni Poe, layong rebisahin ang Animal Welfare Act para mapatatag ang animal welfare standards,… Continue reading Mas mahigpit na batas vs. animal cruelty, isinusulong sa Senado

24/7 assistance call center para sa mga dayuhang turista, inilunsad ng DOT

Inilunsad ng Department of Tourism (DOT) ang 24/7 tourist assistance call center para makatulong maisaayos ang mga reklamo at katanungan ng mga dayuhang bisita sa Pilipinas. Ayon kay DOT Secretary Christina Garcia Frasco, pangunahing problema ito ng mga dayuhang turista na pumupunta sa bansa ay kung paano sila matutulungan na maresolba ang kanilang concerns at… Continue reading 24/7 assistance call center para sa mga dayuhang turista, inilunsad ng DOT

Isang miyembro ng LGBTQIA+ na umano’y sinasaktan ng magulang, sinagip ng QC LGU

Sinaklolohan ng pamahalaang lungsod ng Quezon ang isang 21-taong gulang na miyembro ng LGBTQIA+ na umano’y sinasaktan ng kanyang magulang. Ito matapos manawagan ng tulong sa social media ang residenteng si Pao na diumano ay sinasaktan at pinagbawalan na lumabas ng bahay ng kanyang mga magulang. Sa utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, agarang… Continue reading Isang miyembro ng LGBTQIA+ na umano’y sinasaktan ng magulang, sinagip ng QC LGU

DSWD, nagpaabot ng tulong sa kaanak ng nasawing Grade 5 student matapos umanong sampalin ng guro

Nakikidalamhati ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng estudyanteng si Francis Jay Gumikib, na nasawi matapos umanong sampalin ng kanyang guro sa Antipolo. Sa ulat ni DSWD Field Office 4A Regional Director Barry Chua kay Secretary Rex Gatchalian, sinabi nitong nagsagawa na ng case management ang social workers ng ahensya sa… Continue reading DSWD, nagpaabot ng tulong sa kaanak ng nasawing Grade 5 student matapos umanong sampalin ng guro

Heavy rainfall warning, nakataas sa Zambales; Metro Manila, uulanin din sa habagat

Naglabas ngayon ang PAGASA ng heavy rainfall warning sa ilang lugar sa Luzon dahil sa mga pag-ulang dulot ng habagat na pinaiigting ng bagyong Jenny. Ayon sa PAGASA, umiiral ngayon ang Yellow Rainfall Warning sa Zambales (San Antonio, Castillejos, Subic, Olongapo, San Felipe, San Marcelino, San Narciso). Sa ilalim nito, may banta ng matinding pagbaha… Continue reading Heavy rainfall warning, nakataas sa Zambales; Metro Manila, uulanin din sa habagat

PhilHealth, nilinaw na walang nakompromiso sa datos ng kanilang mga miyembro kasunod na rin ng pag-atake ng Medusa ransomware

Nilinaw ngayon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na walang nakompromisong datos ng kanilang mga miyembro. Ito’y ayon sa PhilHealth kasunod ng naging pag-atake ng Medusa ransomware sa kanilang online system kamakailan. Sa inilabas na Urgent Notice to the Public ng pangunahing state health insurer, nilinaw nito na hindi naapektuhan ng pag-atake ang kanilang server… Continue reading PhilHealth, nilinaw na walang nakompromiso sa datos ng kanilang mga miyembro kasunod na rin ng pag-atake ng Medusa ransomware