Capital market community, hinimok na mamuhunan sa Maharlika Investment Fund

Hinikayat ni House Speaker Martin Romualdez ang capital market community na mag-invest sa Maharlika Investment Fund. Ginawa ni Romualdez ang pahayag sa idinaos na Forum on Legislative Reforms in the Philippine Capital Market sa Philippine Stock Exchange. “I encourage our revered guests and esteemed partners to explore this investment opportunity, a venture that signifies shared… Continue reading Capital market community, hinimok na mamuhunan sa Maharlika Investment Fund

Individual amendments sa 2024 National Budget, tatapusin ng small committee ng Kamara hanggang Oct. 10

Mayroong hanggang October 10 ang small committee na binuo ng Kamara para tapusin ang lahat ng individual amendments sa House Bill 8980 o 2024 General Appropriations Bills. Ayon kay House Appropriations Committee Chair at AKO BICOL Party-list Representative Elizaldy Co, nagkaroon na ng paunang pulong ang small committee nitong Martes, October 3. Marami aniya ang… Continue reading Individual amendments sa 2024 National Budget, tatapusin ng small committee ng Kamara hanggang Oct. 10

Mabilis na usad ng imbestigasyon sa nangyaring pagbangga sa bangka ng mga Pilipinong mangingisda sa WPS, hirit ng isang grupo ng mangingisda

Umaasa ang grupo ng mga mangingisda na PAMALAKAYA sa agarang pag-usad ng imbestigasyon sa nangyaring pagbangga ng isang foreign commercial vessel sa bangkang pangisda sa Bajo de Masinloc na nagresulta sa pagkasawi ng tatlong mangingisda. Sa isang pahayag, sinabi ng grupo na nakakalungkot ang sinapit ng mga Pilipinong mangingisda sa mismong karagatang sakop ng bansa.… Continue reading Mabilis na usad ng imbestigasyon sa nangyaring pagbangga sa bangka ng mga Pilipinong mangingisda sa WPS, hirit ng isang grupo ng mangingisda

Ilang magbibigas sa Kamuning Market, ikinatuwa ang pagbawi ng Pangulo sa price cap ng bigas

Magandang balita para sa mga rice retailer sa Kamuning Market ang anunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na pagtanggal sa price cap ng regular at well-milled na bigas. Ilan sa mga magbibigas sa Kamuning Market ang ngayon lang nalaman na inalis na ang price cap gaya ni Aling Jinky. Aniya, matagal na nilang hinihintay… Continue reading Ilang magbibigas sa Kamuning Market, ikinatuwa ang pagbawi ng Pangulo sa price cap ng bigas

Vice Pres. at Education Sec. Sara Duterte, pangungunahan ang programa para sa National Teacher’s Day sa Butuan City ngayong araw

Nakatakdang pangunahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang programa para sa National Teacher’s Day sa Butuan City ngayong araw. Dito, inaasahang muling bibigyang-diin ni VP Sara ang pangako ng Department of Education (DepEd) para sa mga guro sa ilalim ng MATATAG Agenda Ngayong umaga, tutungo ang Pangalawang Pangulo sa Fr. Saturnino Urios… Continue reading Vice Pres. at Education Sec. Sara Duterte, pangungunahan ang programa para sa National Teacher’s Day sa Butuan City ngayong araw

Antipolo City LGU, tiniyak ang lahat ng tulong na kanilang ibibigay sa pamilya ng Grade 5 pupil na nasawi matapos saktan ng kaniyang guro

Nagpaabot ng pakikiramay ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo sa pamilya ni Francis Jay Gumikib na nasawi matapos mabiktima ng pananakit ng kaniyang sariling guro kamakailan Kasunod nito mariin ding kinondena ni Antipolo City Mayor Casimiro Jun Ynares III ang insidente at tiniyak nito na maihahatid ang katarungan sa pamilya ng biktima. Dagdag pa ng alkalde,… Continue reading Antipolo City LGU, tiniyak ang lahat ng tulong na kanilang ibibigay sa pamilya ng Grade 5 pupil na nasawi matapos saktan ng kaniyang guro

Resulta ng awtopsiya sa estudyanteng namatay matapos sampalin ng guro, inaasahan sa loob ng isang linggo

Maaaring mailabas sa loob ng isang linggo ang resulta ng awtopsiya sa 14-na taong gulang na estudyanteng nasawi matapos umanong sampalin ng guro sa Peñafrancia Elementary School sa Antipolo. Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Forensic Group Public Information Officer Police Major Sotero Rodrigo, kasunod ng pagdating sa Camp Crame kahapon ng labi… Continue reading Resulta ng awtopsiya sa estudyanteng namatay matapos sampalin ng guro, inaasahan sa loob ng isang linggo

Panibagong resupply mission sa Ayungin Shoal kahapon, matagumpay

Matagumpay na naisagawa ang ipinag-utos ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na panibagong Rotation and Resupply Mission (RoRe) sa Ayungin Shoal kahapon. Sa isang statement pinuri ng National Task Force – West Philippine Sea (NTF-WPS), ang dedikasyon, determinasyon, at propesyonalismo ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG)… Continue reading Panibagong resupply mission sa Ayungin Shoal kahapon, matagumpay