Halos patapos na ang ginagawang kalsada na mapapakinabangan ng mga magsasaka sa Davao del Norte.
Ito ang report na tinanggap ni Sec. Manuel Bonoan ng Department of Public Works and Highways mula kay Regional Director Juby Cordon.
Ang naturang kalsada na may habang 1.4 kilometers ay pinondohan ng national government na nagkakahalaga ng P44. 9 milyon sa ilalim ng General Appropriation Act of 2023.
Sabi ni Cordon, mas mapapabilis ang pagbiyahe ng mga produktong agrikultura ng mga magsasaka sakaling tuluyan nang matapos ang nasabing kalsada.
Nagdudugtong kasi sa bayan ng Sto. Tomas at Tagum City Davao del Norte ang farm to market road.
Target matapos ang nasabing kalsada bago ang 2024. | ulat ni Mike Rogas