10 dakilang senior citizen sa La Union, pinarangalan ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinarangalan ng probinsyal na pamahalaan ng La Union ang 10 Dakilang Senior Citizens sa lalawigan.

Iginawad ang parangal sa pagdiriwang ng Provincial Elderly Week sa Don Mariano Marcos Memorial State University- International Convention Center, Sapilang, Bacnotan, La Union.

Nakibahagi sa programa si National Commission of Senior Citizens (NCSC) Region 1 Commisioner Atty. Raymar Mansilungan.

Ipinarating ng commissioner ang mga updates sa komisyon at ipinaliwanag nito ang tema ng Filipino Elderly Week na “Honoring the Invaluable Legacy of Filipino Senior Citizens.”

Sa mensahe naman ni Bacnotan Mayor Divine Fontanilla, kinilala nito bilang mga bayani ang mga Senior Citizens dahil sa dakila nilang kontribusyon at sa mga mahahalaga pa nilang magagawa.| ulat ni Glenda B. Sarac| RP1 Agoo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us