11 e-trike, idineploy ng QC LGU para magbigay ng libreng sakay sa mga pasaherong posibleng maapektuhan ng tigil-pasada

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi ramdam ang transport strike sa bahagi ng Philcoa sa Quezon City.

Marami pa rin kasing mga pampasaherong jeep ang tuloy ang byahe ngayong Lunes ng umaga.

Bukod pa sa regular na mga jeepney ay may dagdag na libreng sakay ang pamahalaang lungsod ng Quezon para umalalay sa mga pasaherong posibleng tamaan ng tigil-pasada.

Kasama rito ang 11 e-trike na ang ilan ay nakapwesto na sa may Philcoa para maghatid ng mga pasahero patungong Trinoma/SM North.

Mga tauhan mismo ng QC Department of Public Order and Safety (DPOS) ang nagmamaneho sa libreng sakay.

Una nang tiniyak ng LGU na walang dapat ipag-alala ang mga commuter sa QC dahil magpapakalat ito ng libreng sakay sa lungsod.

Wala ring city-wide na suspensyon ng klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Quezon City kasunod na rin ng rekomendasyon ng mga kaukulang ahensya ng Quezon City Government, ng Department of Education (DepEd) QC Schools Division Office, at ng Quezon City Police District.

Samantala, iba-iba naman ang opinyon ng mga driver sa tigil-pasada.

Si Mang Jonard, hindi sasali sa transport strike dahil consolidated na ito kaya tuloy tuloy lang ang byahe niya ngayong araw.

May ilang driver namang gaya nina Mang Felix at Jojo na papasada muna ngayong umaga bago mag-tigil-pasada bilang pakikiisa sa mga kasamahang tsuper. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us