PBBM, ikinalungkot ang pagkasawi ng 2 Pilipino na nadamay sa kaguluhan sa Israel

Nagpahayag ng pagkalungkot si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa nakarating ng ulat hinggil sa pagkamatay ng dalawang Pilipino sa Israel kaugnay ng nagpapatuloy pa kaguluhan sa nabanggit na bansa. Sa pahayag na inilabas ng Pangulo ay sinabi nitong mabigat ang kanyang loob matapos na makumpirma ang masamang balita. Kinukondena aniya ito ng bansa sa… Continue reading PBBM, ikinalungkot ang pagkasawi ng 2 Pilipino na nadamay sa kaguluhan sa Israel

Master plan sa pagpapaunlad at pagpapaganda ng Kalayaan Group of Islands, inihirit ng mga mambabatas

Kasabay ng paglalaan ng sapat na pondo para sa Pag-asa Island at iba pang isla sa Kalayaan, itinutulak ng mga mambabatas ang pagkakaroon ng master plan upang mapaunlad at mapaganda ang lugar. Ayon kay House Committee on Appropriations Chair Elizaldy Co, imbes na pag-awayan ang naturang mga isla, ay i-develop ito bilang tourist destination kung… Continue reading Master plan sa pagpapaunlad at pagpapaganda ng Kalayaan Group of Islands, inihirit ng mga mambabatas

Pamilya ng 2 Pilipino na nasawi sa Israel, tutulungan ng DSWD

Maghahatid ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng dalawang Pilipino na kumpirmadong nasawi sa gitna ng kaguluhan sa Israel. Inatasan na ni DSWD Secretary Rex Gatchalian si Undersecretary for Operations Group Pinky Romualdez na makipag-ugnayan sa Department of Migrant Workers (DMW) para makuha ang detalye ng pamilya ng dalawang… Continue reading Pamilya ng 2 Pilipino na nasawi sa Israel, tutulungan ng DSWD

Singil sa kuryente, tataas ngayong buwan — MERALCO

Inanunsyo ngayon ng Manila Electric Company o MERALCO na tataas ng 42 sentimos ang kanilang singil sa kuryente para sa buwan ng Oktubre. Ayon sa MERALCO, bunsod ito ng paggalaw sa presyuhan sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM gayundin ang pagmahal ng generation charge. Kabilang din sa nakaapekto sa taas-singil sa kuryente ay ang… Continue reading Singil sa kuryente, tataas ngayong buwan — MERALCO

Embahada ng Israel sa Pilipinas, nagpaabot ng pakikiramay sa pagkasawi ng 2 Pilipinong naipit sa gulo sa kanilang bansa

Nagpaabot ng pakikiramay ang Embahada ng Israel sa Pilipinas. Kasunod ito ng pagkasawi ng dalawang Pilipinong naipit sa digmaan sa pagitan ng Israeli forces at ng rebeldeng Hamas. Sa inilabas na pahayag, nakiisa ang Embahada ng Israel sa pagkondena sa anumang uri ng terorismo at hangad din nila ang maagap na pagtatapos ng gulo. Kasabay… Continue reading Embahada ng Israel sa Pilipinas, nagpaabot ng pakikiramay sa pagkasawi ng 2 Pilipinong naipit sa gulo sa kanilang bansa

Pamahalaan, may sapat na pondo para sa mga OFW na maaaring mawalan ng trabaho dahil sa kaguluhan sa Israel

Kumpiyansa si House Appropriations Committee Chair at AKO BICOL party-list Rep. Elizaldy Co na may sapat na pondo ang pamahalaan para tulungan ang mga Pilipinong apektado ng kaguluhan sa Israel, lalo na yung mga posibleng mawalan ng trabaho. Sa press briefing sa House media nitong Martes, natanong si Co kung mayroon bang adjustment na ginawa… Continue reading Pamahalaan, may sapat na pondo para sa mga OFW na maaaring mawalan ng trabaho dahil sa kaguluhan sa Israel

Digitalization, may mahalagang papel sa paglaban sa katiwalian ayon sa ARTA

Pinangunahan ng Anti-Red Tape Authority o ARTA ang isang Legal Summit sa Pasay City ngayong araw. Ayon sa ARTA, magsisilbing daan ito para mapaigting ang ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan na malabanan ang katiwalian. Sa kaniyang talumpati, sinabi ni ARTA Director General, Sec. Ernesto Perez, kailangang umayon ang kampaniya kontra katiwalian sa itinatakbo… Continue reading Digitalization, may mahalagang papel sa paglaban sa katiwalian ayon sa ARTA

Mga tauhan ng Phil. Army, binigyan ng spesyal na pribilehiyo sa Dakak Resort

Bilang pagsulong ng morale at welfare ng mga sundalo, isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan sa pagitan ng Philippine Army at Dakak Resort and Properties sa Brgy. Taguilon, Dapitan City, Zamboanga del Norte nitong weekend. Sa ilalim ng kasunduan na nilagdaan ni Army Commanding General Lt. Gen. Roy M. Galido at Dakak Resort and… Continue reading Mga tauhan ng Phil. Army, binigyan ng spesyal na pribilehiyo sa Dakak Resort

Pinakamalaking barko ng Philippine Navy, dineploy sa maritime patrol sa WPS

Idineploy ng Armed Forces of the Philippines Western Command (WESCOM) ang BRP Davao del Sur, ang pinaka malaking barko ng Philippine Navy para tumulong sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea. Ayon kay WESCOM Spokesperson Commander Ariel Joseph Coloma, iba’t ibang misyon ang kaya ng BRP Davao del Sur pero tutukan nito ang territorial maritime patrol… Continue reading Pinakamalaking barko ng Philippine Navy, dineploy sa maritime patrol sa WPS

Suplay ng bigas, manok sa bansa, sapat hanggang katapusan ng taon — DA

Walang dapat ipag-alala ang mga mamimili dahil nananatiling sapat ang suplay ng manok at bigas sa bansa hanggang katapusan ng taon ayon yan sa Department ot Agriculture (DA). Ayon kay DA Assistant Secretary at Spokesperson Arnel de Mesa, walang magiging problema sa suplay ng manok dahil sa pagtaya nito ay mayroon pang sosobrang 120 araw… Continue reading Suplay ng bigas, manok sa bansa, sapat hanggang katapusan ng taon — DA