12 oras na kawalan ng kuryente, inaasahang mararanasan sa ilang bayan sa Pangasinan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang makaranas ng labing dalawang (12) oras na power service interruption ang ilang bayan at lungsod ng Pangasinan ngayong araw, ika-7 ng Oktubre 2023.

Mag-uumpisa ang kawalan ng kuryente mula 6:00 AM hanggang 6:00 PM sa parehong araw.

Ayon sa inilabas na abiso ng Central Pangasinan Electric Cooperatives (CENPELCO), apektado ng power service interruption ang buong bayan ng Binmaley, Aguilar, Bugallon, Mangatarem, buong bayan ng Lingayen maliban sa mga barangay ng Balangobong, Estanza, Malimpuec, Capandanan, Domalandan East/West/Center at Guesang.

Dagdag dito, apektado rin ang buong bayan ng Urbiztondo maliban sa mga barangay ng Pasibe East/West, Balangay, Batangcaoa, Bituag, Duplac at Malaca.

Makararanas din ng parehong oras na kawalan ng kuryente ang buong siyudad ng San Carlos maliban sa mga barangay ng Balite Sur at Palospos.

Ayon sa CENPELCO, mayroong mga kagamitan na kinakailangang isaayos na sinabayan pa ng line maintenance sa kahabaan ng Labrador – San Carlos Line.

Humingi naman ng paumanhin ang CENPELCO sa abalang dulot ng power service interruption.

Maaari namang mapanumbalik ang kuryente sa nasabing lugar kapag maagang natapos ang mga kinakaylangang isagawang maintenance. | ulat ni Ricky Casipit | RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us