Balik-pinas na ang 12 overseas Filipino na lumikas sa bansang Sudan matapos matulungan ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo.
Ayon sa Philippine Embassy sa Cairo, tumulong sila sa paglikas ng 12 overseas Filipinos na nasa Sudan upang umasiste sa kanilang mga kinakailangang dokumento papuntang Cairo at pauwi ng Pilipinas.
Sa kabuuan, 830 Pilipino ang umalis sa Sudan sa tulong ng pamahalaan ng Pilipinas simula nang magsimula ang kaguluhan sa Sudan noong Abril 2023.
Patuloy namang pinapayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Philippine Embassy sa Cairo ang lahat ng mga Pilipino na nasa Sudan na umalis na sa bansa upang masiguro ang kanilang kaligtasan. | ulat ni EJ Lazaro