Bentahan ng baboy sa Muñoz Market, nananatiling mataas

Nananatiling mataas ang bentahan ng baboy sa Muñoz Market sa Quezon City. Aminado rito ang ilang nagtitinda sa palengke sa gitna ng tumataas ring halaga ng kanilang kuha sa mga supplier. Sa ngayon, naglalaro sa ₱290-₱300 ang bentahan sa kada kilo ng kasim sa Muñoz Market, habang ₱340-₱350 naman sa liempo. Dahil dito, medyo matumal… Continue reading Bentahan ng baboy sa Muñoz Market, nananatiling mataas

Paghahain ng kaso vs. mga sangkot sa manipulasyon ng presyo ng sibuyas, ikinalugod ng House Committee on Agriculture Chair

Welcome para kay House Committee on Agriculture and Food Chair Mark Enverga ang pag-usad ng kaso laban sa mga sangkot sa hoarding at price manipulation ng sibuyas noong nakaraang taon. Aniya, ang pagsasampa ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga indibidwal na sangkot ay patunay na produktibo ang ginawa nilang serye… Continue reading Paghahain ng kaso vs. mga sangkot sa manipulasyon ng presyo ng sibuyas, ikinalugod ng House Committee on Agriculture Chair

Pamilya ng isa sa 2 Pilipinong nasawi kasunod ng nagpapatuloy na gulo sa Israel, nakausap na ng DMW

Personal nang naipaabot ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pakikiramay sa pamilya ng isa sa dalawang Pilipino na nasawi sa nagpapatuloy na gulo sa Israel. Mismong si DMW Officer-in-Charge, Undersecretary Hans Leo Cacdac ang humarap sa mga ito at tiniyak ang tulong na ihahatid ng pamahalaan para sa kanila. Samantala, sinabi ni Cacdac na… Continue reading Pamilya ng isa sa 2 Pilipinong nasawi kasunod ng nagpapatuloy na gulo sa Israel, nakausap na ng DMW

Ulat ng Antipolo Schools Division Office hinggil sa panibagong development sa kaso ni Francis Jay Gumikib, hinihintay na ng DepED

Hinihintay na ng Department of Education (DepEd) ang opisyal na ulat ng kanilang Schools Division Office sa Antipolo City. Ito’y kasunod ng pinakahuling development ukol sa pagkamatay ni Francis Jay Gumikib ng Peñafrancia Elementary School sa nabanggit na lungsod ilang araw matapos makaranas ng pananakit mula sa guro. Ayon kay DepEd Spokesperson, Undersecretary Michael Poa,… Continue reading Ulat ng Antipolo Schools Division Office hinggil sa panibagong development sa kaso ni Francis Jay Gumikib, hinihintay na ng DepED

‘Defense and Maritime Cooperation’ ng Pilipinas at UK, isinulong

Naging mabunga ang pag-uusap tungkol sa pagpapatatag ng “Defense and Maritime Cooperation” sa pagitan ng Pilipinas at United Kingdom (UK). Ito’y matapos ang pagpupulong ni Philippine Navy Flag Officer in Command, Vice Admiral Toribio Adaci Jr. at United Kingdom Defense Minister of State Annabel Goldie sa pagbisita ng Ministro sa Philippine Navy Headquarters kahapon. Bukod… Continue reading ‘Defense and Maritime Cooperation’ ng Pilipinas at UK, isinulong