Nakatakdang magbalik Pilipinas ang may 17 Overseas Filipino Workers o OFW na naipit sa gulo sa Israel bukas, Oktubre 18.
Ito ang kinumpirma ng Department of Migrant Workers o DMW bagaman nananatili pa rin sa Level 2 ang alerto sa nabanggit na bansa.
Ayon kay DMW Spokesperson Toby Nebrida, kinukumpleto pa nila sa ngayon ang flight details ng mga uuwing Pilipino sa pakikipag-ugnayan na rin nila sa Embahada ng Pilipinas sa Tel-Aviv.
Una nang nilinaw ni DMW Officer-in-Charge, Usec. Hans Leo Cacdac na ang kanilang ire-repatriate ay ang mga Pilipinong nagnanais umuwi sa bansa mula Israel dahil karamihan sa mga ito ay mga OFW.
Habang ang Department of Foreign Affairs o DFA naman ang siyang bahala sa pagpapauwi sa mga Pilipino sa Gaza Strip na ngayo’y nasa Alert Level 4 na. | ulat ni Jaymark Dagala