17K AFP personnel, idineploy sa buong Visayas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa hindi bababa sa 17,000 mga personnel mula sa Armed Forces of the Philippines sa Visayas Command (VISCOM) ang idedeploy sa buong Visayas ngayong darating na halalan sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 (BSKE 2023).

Kabilang sa idedeploy ang mga CAFGU Active Auxiliary.

Ayon sa pahayag mula sa VISCOM, nasa kalahati sa dami ng tropa ang tututok sa focused military operations sa mga malalayong komunidad sa rehiyon upang mapigilan ang CPP-NPA kung sakaling manggugulo ito sa araw ng halalan.

Ang kalahati naman ay tutulong sa ating Philippine National Police at iba pang security forces upang magbigay seguridad sa mga polling centers, paglilipat ng mga election paraphernalia at pagsasagawa ng mga Comelec checkpoints.

Nasa 5,866 ang idedeploy na AFP troops sa Region 6, 5,356 sa Region 7 at 6,000 naman sa Region 8.

Siniguro ni Lt. Gen. Benedict Arrevalo, ang commander ng VISCOM, na malayang makakaboto ang lahat at magiging maayos at ligtas ang BSKE 2023. | ulat ni Carmel Matus | RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us