$2.5-bilyong halaga ng foreign loans na-secure ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa tinatayang $2.5 billion ang halaga ng foreign loans na na-secure ng pamahalaan sa third quarter ng taon upang suportahan ang mga programa ng pamahalaan para sa economic recovery and development programs.

Sinasabing inaprubahan ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga pautang na binubuo ng apat na loan projects na nagkakahalaga ng $1.95-billion at isang program loan na aabot sa $0.75 billion.

Ang mga loan project ay magpopondo sa mga proyekto sa transportasyon at agrikultura habang ang program loan ay popondohan ang mga inistiyatiba sa pangangalaga sa kapaligiran at climate resilience initiatives.

Ayon sa BSP, ang mga nasabing pautang mula sa ibang bansa ay bahagi ng mga hakbang ng gobyerno upang mapagaan ang epekto ng pandemya dulot ng COVID-19 at mapalakas ang paglago ng ekonomiya ng bansa.

Tiniyak naman ng Monetary Board na ang mga pautang mula sa ibang bansa ay ginagamit nang wasto at na ang external debt ng bansa ay mananatili sa manageable levels. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us