2 NPA, patay sa engkwentro sa Negros Occidental

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanutralisa ng mga tropa ng militar ang dalawang NPA sa engkwentrong naganap sa Sitio Nabalas Dos ng Brgy. Canlusong, EB Magalona sa Negros Occidental.

Ito’y matapos ang 15 minutong bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng 79th Infantry Battalion sa ilalim ng 303rd Infantry Brigade ng Philippine Army at grupo ng NPA guerilla front, Northern Negros Front ng Komiteng Rehiyon-Negros, Cebu, Bohol, Siquijor, kamakalawa.

Narekober ng mga tropa sa lugar na pinangyarihan ang labi ng dalawang nasawing NPA na iniwan ng mga nagsitakas na terorista at dalawang M16 Assault Rifles at isang M14 Rifle.

Sa isinagawa namang follow-up operation kahapon, narekober ng mga tropa sa bisinidad ng encounter site ang iba’t ibang war materiels, isang AR15 Assault Rifle, isang M16 Assault Rifle, isang M1 Garand Rifle, 4 Rifle Grenades at live ammunition.

Ayon kay Lieutenant General Benedict Arevalo PA, Commander ng Visayas Command (VISCOM) habang papalapit ang BSKE hindi titigil ang militar sa pagkakasa ng operasyon sa layuning maging maayos at mapayapa ang darating na eleksyon.

Nabatid na ngayong 3rd quarter ng taon, nakapag-nutralisa ang VISCOM ng 79 NPA terrorists sa Visayas region at pagkakasamsam ng 110 firearms at 25 Anti-Personnel Mines. | ulat ni Leo Sarne

📷: VISCOM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us